Bag om Di Rin Pala Habambuhay
Anastasia Nicole Alvarez or Tasia is a independent girl. Bata pa lang siya wala na siyang pamilya na masasandalan. Ni totoong pangalan niya, hindi niya maalala. Basta nagising nalang siya na nasa isang bahay ampunan. At dahil wala siyang pamilya, dumating ang panahon na kailangan na niyang iahon ang sarili sa kahirapan.
Sinubukan niya ang kahit anong trabaho. Kahit pagiging mekaniko. Literal na responsable at talagang maaasahan siya sa anumang bagay. Kayang-kaya niya kahit magbuhat pa ng isang sakong bigas. Pero kakayanin kaya niya kapag ang susunod na trabaho niya ay magbantay ng isang taong daig pa ang bata sa tigas ng ulo? Isang taong hindi lang inis ang hatid sa kaniya kundi pati narin ang pagbilis ng tibok ng puso? Isang taong magpaparanas sa kaniya ng tunay na pag-ibig.
Tunay na pag-ibig ngunit sa maling pagkakataon. Tunay na pag-ibig ngunit sa maling tao. Love is all about sacrificing your love ones. Kahit masaktan man siya ng paulit-ulit, kakayanin niya para lang hindi nila siya tawaging mahina.
She's an independent girl after all. Kung kaya man niyang mapag-isa dati, kakayanin niya rin ngayon. Hindi man panghabambuhay ang kanilang pagmamahalan, may dala-dala naman siyang ala-ala mula nang lumisan ang kaniyang minamahal. At ang tanging katanungan lamang na hindi niya kayang masagot-sagot. . .
What if someone you love right now turns out to be someone's future?
Vis mere